Miyerkules, Marso 21, 2012

MGA TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA

1. Teoryang bow-bow - ito ay ang panggagaya ng tao sa mga tunog na nalikha ng kalikasan
2. Teoryang Pooh-pooh - ipinapalagay na natutong magsalita ang mga tao dahilan sa hindi sinasadyang napapabulalas sila bunga ng masidhing damdamin. ang tao amg siyang lumikha ng tunog at siya rin ang nagbibigay ng kahulugan nito.
3. teoryang yo-he-ho. - Tunog na nalilikha sa pwersang fisikal kung saan natutuong magsalita ang tao dahil sa nalilikha nilang tunog kapag sila ay gumagamit ng lakas.
4. teoryang ta-ra-ra-boom-de-ay. - sa mga tunog na galing sa mga ritwal ng mga sinaunang tao ang naging daan upang matutung magsalita ang tao. ang mga sayaw, sigaw o incantation at mga bulong ay binigyan nila ng kahulugan at sa pagdaan ng panahon ito ay nagbagubago.
5.teoryang tata. sa mga kumpas at galaw ng kamay na ginagawa ng mga tao sa mga partikular na okasyon ay ginaya ng dila hanggang ito ay ngproduce ng tunog at natutuong magsalita ang mga tao. ang tawag dito ay ta-ta na sa france ay paalam o goodbye.
6.teoryang ding-dong. ito ay kahig lng ng teoryang bow-wow. ito ay hindi limitado sa kalikasan lamang kundi kasali na rito ang mga bagay na ginawa ng tao. tulad ng doorbell, motor, tv, telepono at maramin png Iba.

Ding Dong - bagay. Ipinalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa kapaliran ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa nasabing bagay. Mga tunog ang nagpapakahulugan sa mga bagay tulad ng kampana, relo, tren, at iba pa.


Bow Wow - kalikasan. Dito ang tunog ng nalikha ng kalikasan, anuman ang pinagmulan ay ginagad ng tao. Halimbawa, ang tunog-kulog, ihip ng hanging, at iba pa.


Pooh Pooh - tao. Ipinalalagay na ang tao ang siyang lumikha ng tunog at siya ring nagbibigay ng kahulugan. Dito ang tunog mula sa mga tao.
Kahariang Ehipto - Ayon sa haring si Psammatichos, ang wika ay sadyang natutuhan kahit walang nagtuturo o naririnig. Natutunan kahit walang nagtuturo. Unconsciously learning the language.


Charles Darwin - Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na "On the Origin of Language", sinasaad niya ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang malikha ng iba't ibang wika. Wika natutunan tungkol sa mga pakikipagsapalaran.

Huwebes, Marso 15, 2012

Pangungusap (Sentence)

Ang Pangungusap ay lipon ng mga salita na nagsaad ng buong diwa.
Bawat pangungusap ay may dalawang bahagi -- ang Simuno at Panaguri

1. Ang Simuno (subject) ay ang paksa o ang pinag-usapan sa pangungusap. May mga panandang si, sina kung tao ang simuno at ang o ang mga kung bagay, lunan o pangayayari.

2. Ang Panaguri (predicate) naman ang nagsasabi tungkol sa simuno.

Halimbawa:

a. Ang pinaghugasan ng pinggan ay ipinandidilig ko ng halaman.
Simuno: pinaghugasan ng pinggan
Panaguri: ay ipinandidilig ko ng halaman

b. Ginagamit ko ang basurahan nang maayos.
Simuno: ang basurahan
Panaguri: ginagamit nang maayos

II. Ayos ng Pangungusap

May dalawang kaayosan ang pangungusap. Ito ay ang Karaniwang Ayos at ang Di-karaniwang Ayos.

Ang Karaniwang Ayos ng pangungusap ay nauuna ang panaguri kaysa sa simuno/paksa.

Hal.
Nandito ako.
(panaguri) (simuno)

Ang Di-karaniwang Ayos ng pangungusap ay kung nauuna ang paksa at ginagamitan ng panandang "ay".

Hal.
Ako ay isang matalinong bata.
(simuno) (panaguri)


III. Mga Uri ng Pangungusap

May apat na uri ang pangungusap ayon sa gamit:

1. Paturol o Pasalaysay - ang pangungusap kung naglalahad ito ng isang katotohanang bagay. Nagtatapos ito sa tuldok (.).

Hal.
Nakalimutan mo ang iyong aklat sa bahay.

2. Pautos - ang pangungusap kung nag-uutos at nagtatapos din ito sa tuldok (.).

Hal.
Pakikuha po ng sapatos ko sa may mesa.

3. Patanong - ang pangungusap kung nagtatanong. Nagtatapos ito sa tandang pananong (?).

Hal.
Sino ako?

4. Padamdam - ang pangungusap kung nagsasaad ng matinding damdamin. Nagtatapos ito sa tandang padamdam (!).

Hal.
Aba, may sunog!

IV. Payak at Tambalang Pangungusap

1. Payak na pangungusap - kung ang isang ideya lamang ang ipinahahayag. May simuno at panaguri ito na maaring higit sa isa.

Hal.
Masarap at masustansya ang mga gulay.

2. Tambalang pangungusap - kung dalawang diwa o ideya ang ipinahahayag na maaring magkatulad, magkasalungat o pagpipilian. Dalawang payak na pangungusap ang pinagsama at pinag-uugnay ng at, o ngunit,

Hal.
Naglalaba si Juan habang nagluluto ang kanyang asawa.

V. Layon ng Pangungusap

Tatlo ang layon na maaring gamitin sa pangungusap.

1. Ang tuwirang layon ay tumatanggap ng kilos pandiwa at may panandang ng. Sumasagot ito sa tanong na ano.

Hal.
Sumayaw siya ng Tango.

2. Ang di-tuwirang layon ng pandiwa ay pinaglalaanan o pinagtutunguhan ng kilos. Sumasagot ito sa tanong ng kanino.

Hal.
Binigyan ko siya ng bulaklak.

3. Ang layon ng pang-ukol na sa ay tumutukoy sa lugar kung saan naganap ang kilos.

Hal.
Pumunta kami sa palengke.

Lunes, Marso 12, 2012

Ang akda ni Dr.Jose rizal


Panimula
  Ayun sa kasabihan ng ating dakilang bayani na si Dr. Jose P. Rizal,"Ang pilipinong hindi marunong magmahal
sa sariling wika, ay daig pa sa mlansa at mabahong isda.
  Dr.jose P. Rizal,Ano nga ba siya para sa atin, isa lang ba siyang bayani na lumaban upang hind tayo sakupin 
ng mga nagnanais na sumakop sa magandang kalikasan ng ating lupang sinilangan.
  Sa aking kuro-kuro at nabasa sa aklat niyang "Noli me tangere at El Filibusterismo, pinakita ng mga dayuhan ang pagmamalabis ng mga dayuhan sa ating bansa,lalo na sa  ating kapwa pilipino.
  Sa iyong palagay,hindi ba't nranasan atin ang mabasa ang mga akda ng ating bayaning Jose P. rizal,Subali't
hindi ntin ito naisasaloob,sa pagkat sa pagdating ng mga panahon bumabalik na ang dating nararanasan ng ating mga ninuno,nakakasanayan na natin,ang tangkilikin ang mga bagay na hindi sa atin.At kung minsan pa'y
pumupunta sa ibang bansa upang mangatulong,sa kadahilanan na tayo'y naghihirap sa sarili nating bansa.
 Hindi kaya sa ating katamaran na kaunti ang ating kikitain,kung kaya nais natin na makuha ng madalian ang ninanais natin na kayamanang nais.Para mapapaalipin tayo sa mga dayuhan,"nasaan na ang pinglaban ng ating  
dakilang bayaning Dr.Jose P.Rizal.
 Sa pagdaan nga ng panahon,nakikinita ko na wala na ang dangal ng isang pilipino,sapagkat inalipin na ng ibang mga dayuhan.Iintayin nalang ba natin na mangyari ito.sapat na ba, na mistulang isang asong susunod-
sunod,sa dahilan na sila ay may yaman,na higit sa ating mga pilipino."Pilipino gumising ka,hindi pwedeng sila lagi ang manguna.Paano na lamang kung tayo'y sasakupin na,At minamahal
na nila ang bagay na hindi sa kanila,paano na lamang ang bayaning
nagbuwis ng buhay upang ipagmalaki ang lupang kinagisnan.
 "Pilipino saan ka na patungo,isa ka na ngalang bang bayaning nasa isipan na lamang at wala sa gawa ang pagiging pilipino".
 Opo nga po,marahil sapagkat takot na kaming,laging huli,ito ang aking naririnig,kung kaya't takot na silan bumalik sa dating katayuan.pati paggalang sa kapwa,sa halip na po at opo kinakalimutan na,kundi pagtangkilik sa mga salitang hindi sa atin.
 "Pilipino,tama bang sabihin na walang pninindigan,sapagkat nasanay ng mainggit sa iba,kung kaya't nagmamagalingan at wala ng pagkakaisa sa kapwa pilipino.Kailan mamumulat ang mga pilipino upang magkaisa sa oras ba na mdumi na ang ating bansang sinilangan.na iba ang umisip,wala na talaga mkakapagpabago, ng nasira na ng lubusan.ipapakita nalang ba natin ang wala ng buhay na
kapaligiran sa ating mga anak,at simoyin ang mabahong pilipinas,na pinaglaban ng ating mga bayani.
  Mag-isip ka pilipino,hindi pa huli ang lahat,tayo rin ang mkakapagpabago sa ating sinilangan.
   Hindi sisimulan bukas o sa darating pang araw, kundi ngaun na....